公益財団法人横浜市国際交流協会

公益財団法人横浜市国際交流協会

 

YOKOHAMA Foreign Residents Information Center
横浜市よこはまし多文化たぶんか共生きょうせい総合そうごう相談そうだんセンター

横浜市多文化共生総合相談センター

Sentrong Impormasyon Pang-mamamayang Dayuhan sa YOKOHAMA 

Sa Sentrong Impormasyon Pang-mamamayang Dayuhan sa YOKOHAMA, mapaglalaanan ang mga banyagang nakatira sa Yokohama ng pagkakataon ng pagkonsulta at ng impormasyon sa 12 wika. At, i-introduce ang angkop na eksperto at institusyon depende sa pangangailangan.

ホーム

Kung ano ang magagawa sa center

1Pagkokonsulta May Kinalaman sa Pamumuhay

Ilalaan ang pagkakataon ng pagkokonsulta para sa pamumuhay at ang karaniwang impormasyon, at iba pa.

Magagawa rito mula sa pagkokonsulta tungkol sa lokal na lugar para sa pag-aaral ng Wikang Japanese hanggang sa pag-iintroduce ng mga ekspertong institusyon. <

2Pagsasalin sa Telepono

Isasalin sa telepono ang simpleng pagkokonsulta at pagpapareserba sa Ward Office,

at iba pa. Isasalin ang sagot at paliwanag na ginawa sa Wikang Japanese.

3Pagsusugo ng Tagapagsalin

Isusugo o ii-introduce ang boluntaryong tagapagsalin para sa institusyon ng gobyerno, at iba pa (Walang bayad, o may bayad para sa ilan serbisyo).

4Pagkokonsulta sa Eksperto

Ilalaan ang pagkokonsulta sa legal, sa public notary, sa edukasyon, at iba pa (Walang bayad, kailangan ng patiunang pagpapareserba).

<Pagkokonsulta sa legal> Makikipag-ugnayan sa mga ekspertong institusyon at magagawa ang pagpapareserba sa pagkokonsulta at pag-iintroduce ng mga tagapagsalin. Gaganapin din ang pagkokonsulta sa mga eksperto. (Di-regular)

<Pagkokonsulta sa Public Notary> Ilalaan ang pagkokonsulta para sa bisa, istatus ng pagtitira, internasyonal na pag-aasawa, pagdidiborsyo, pag-anyaya ng pamilya, at iba pa.

<Pagkokonsulta sa Edukasyon> Ilalaan ang pagkokonsulta tungkol sa edukasyon nang pangkalahatan, pag-aaral sa mas mataas na antas, pag-aaral sa paaralan, at iba pa.

5 Pakikipag-ugnayan sa lounge ng internasyonal na asosasyon

May kaugnayan din kami sa lounge para sa internasyonal na asosasyon sa 13 lugar sa

loob ng lungsod, at iba pa. Pakisuyong kumonsulta sa lokal na lounge kung mahirap dumalaw sa center mismo.

Kung magkokonsulta sa center mismo

Makakakonsulta sa tauhan nang personal kung para sa Wikang Japanese, English, Chinese, at Spanish.

Para sa ibang wika, makakakonsulta na nakakonekta sa may kaugnayan na kompanya ng pagsasalin sa boses at live na makikita.

Maaaring gamitin ang pagsasalin ng computer para sa ilan.

Makapagsasalin din sa telepono nang simple sa mga ekspertong institusyon, ward office, at iba pa.

Makakapagkonsulta kayo nang malaya habang tinitiyak ang mga dokumento at iba pa na inyong hinahawakan.

counter

Pagkokonsulta sa pamamagitan ng telepono sa center

Makakapagkonsulta kayo sa mga tauhan sa pamamagitan ng telepono sa Wikang Japanese, English, Chinese, at Spanish.

Para sa iba pang wika, makakapagkonsulta sa pamamagitan ng pagsasalin sa telepono.

Ginagamit ang Triphone sa YOKOHAMA Foreign Residents Information Center. Sabay-sabay na makakapag-usap sa pagitan ng tatlong panig ng "nagkokonsulta", "institusyon na sumasagot at nagpapaliwanag tungkol sa konsultasyon", at "center".

Kung mahirap ang pinag-uusapan sa Japanese, ang laman ng pagkokonsulta ay isasalin ng tauhan ng center sa taong in charge, at isasalin sa mga wika ang laman ng sagot at paliwanag na ginawa sa Japanese. (Mga 30 minuto bilang pinakamahabang oras para sa isang pagkokonsulta)

Pero, ang pagsasalin sa pamamagitan ng telepono ay para sa simpleng pagkokonsulta lamang. (Pagpapareserba, simpleng pagtatanong, at iba pa)

Hindi mailalaan ang pagsasalin para sa medikal, pagkokonsulta sa eksperto, o sa pagpapayo.

SOUDAN tag

Halimbawa, magagawa ang pagkokonsulta na gaya ng

  • Gusto kong maghanap kung saan makapag-aaral ako ng Wikang Japanese malapit sa aking bahay.
  • Gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng dokumentong dumating mula sa ward office.
  • Nag-aalala ako sa test ng anak ko para sa pagpasok sa senior high school.
  • Nag-aalala ako sa kaugnayan sa katrabaho.
  • Ano ang kailangang gawin para makapag-aplay ako ng permanent residency?
  • May gusto akong sabihin sa titser ng nursery school.
  • Hindi ako basta-basta makakapagkonsulta sa ospital dahil nag-aalala ako sa gastos sa medikal.
  • Gusto kong malaman kung ano ang kailangang ihanda para sa pagdidiborsyo.
  • Gusto kong itapon ang mga muwebles at kasangkapang de-kuryente dahil uuwi ako sa aking bansa.
  • Gusto kong malaman ang impormasyon ng trabaho.
  • Mailalaan ang impormasyon ng mga institusyon para sa paghahanap ng trabaho, bagaman hindi mai-introduce rito ang trabaho.
  • Gusto kong gawin ang pagboboluntaryo gamit ang aking kakayahan sa sariling wika.
onayami

arrow


01 / Susuportahan kayo para sa paglutas sa nagkokonsulta mismo.
Igagalang namin ang opinyon ng nagkokonsulta, at ilalaan ang impormasyon para sa pagsuporta sa sariling paglutas.
02 /Makikipag-ugnayan sa mga ekspertong institusyon at may-kaugnayan na institusyon.
Para sa pagkokonsulta na nangangailangan ng tulong ng mga eksperto, makikipag-ugnayan sa mga eksperto o i-introduce ang angkop na institusyon para sa pagkokonsulta. At i-introduce rin ang pagsasalin para sa ganiyang pagkakataon.
03 /Iingatan ang lihim na mga bagay.
Kung hindi labag sa pampublikong patakaran at moral, ilalaan ang pagkokonsulta batay sa pamantayan ng pagkakawanggawa. Pakisuyong malayang kumonsulta dahil istriktong iingatan ang lihim na mga bagay.
04 /Para mailalaan ang mas maraming pagkakataon ng pagkokonsulta para sa ibang tao, pakisuyong limitahan ang isang pagkokonsulta sa loob ng 30 minuto.
Ang bawat pagkokonsulta ay nililimitahan sa mga 30 minuto sa telepono man o sa pagdalaw. Hindi pwedeng magpareserba nang patiuna.
05 /Bilang prinsipyo, hindi ilalaan ang pagsuporta na sumasama sa inyo, at hindi rin kikilos bilang ahente.
Kung kailangan ang tagapagsalin na sasama sa inyo, i-introduce ang sistema ng boluntaryong tagapagsalin at pagsasalin sa pamamagitan ng telepono. Hindi kami puwedeng kumilos bilang ahente.
06 /May mga tauhan para sa pagkokonsulta.
Ang laman ng pagkokonsulta ay irerekord at aasikasuhin sa database at iba pa, i-si-share sa mga tauhan para sa pagkokonsulta, at gagamitin para sa tuwing konsultasyon. At gagamitin ang laman ng pagkokonsulta bilang data ng statistic at halimbawa ng pagkokonsulta, maliban sa impormasyon na maaaring magpakilala ng espesipikong indibiduwal. Pakisuyong pumayag dito dahil gagamitin ang mga impormasyon para pasulungin ang paraan ng pagkokonsulta, at para lutasin ang iba't ibang problema.

Adres・Impormasyon para sa pagkokontak

5F Yokohama International Organization Center, Pacifico Yokohama, 1-1-1 Minatomirai, Nishi-ku, Yokohama

 

pacifico

 

Telepono 045-222-12099
FAX 045-222-11879
E-mail This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
URL https://www.yokoinfo.jp

Kung kailan available

Lunes~Biyernes 9:00 a.m.~5:00 p.m.
Ikalawa at ikaapat na Sabado ng bawat buwan

9:00 a.m.~1:00 p.m.

Sarado sa Linggo, araw ng kapistahan, at Dec. 29~Jan. 3

Pagkokonsulta sa Eksperto (kailangan ng patiunang pagpapareserba)

【Pagkokonsulta sa public notary】

Unang Huwebes sa bawat buwan 1:00 p.m.~4:00 p.m.(kada 45 minuto)

【Pagkokonsulta sa edukasyon】

Ikalawa at ikaapat na Sabado 10:00 a.m.~12:30 p.m.